This 2014

Posted on Updated on

Wala na akong introduction kasi, ang sappy lang pag ganon.

Aaminin ko na super nagpapasalamat ako sa LM Family ko. Super masaya and blessed na nakilala ko kayo.Given na yung word na “blessed” ay hindi ko ginagamit pero wala ng ibang word na feel kong magagamit ko para idescribe ang presence nila .Kela Tim, Jaemi, Den, Dianne, King, Ace, Louie. Blessed to have these peeps. 2 years younger sila sakin pero iba yung talino nila at passion

Para sa mga boys and girls back home. I’m sorry kung hindi na ako nagpaparamdam. Kasalanan ko ‘to at for my own selfish reasons. Gusto ko kasi sana muna na magtatag ng foundation ko. From June palang, sinabi ko na sa sarili ko na babaguhin ko sarili ko in the best way that I can. Noong bago mmag2013, sinabi ko na ifofollow ko na ang dream ko na mag-law school, natupad naman siya dahil pinalipat na ako ng Dad ko sa Manila to take up Legal Management. Ngayon. Alam na alam niyo kung ano ako sa Laguna, by the words of my HS teachers, “matalino, pero tamad.” Gusto ko sana magexcel, at feeling ko di ko makakamit ‘to pag palagi akong nauwi or nagpapakita sa mga taong tinawag ko naring pamilya at tunay na kaibigan. Gusto ko kasi maibalita yung news of excelling one big chunk at a time, hindi lang yung piece by piece. Gusto ko rin kasi maging proud sila, at masabi ring kaibigan nila ako. Ayon kasi gusto ko. Gusto ko rin pag may kailangan sila, may maibibgay ako. Information man, or ganon.

Napakaselfish at napaka-vain ng aking reasons, pero totoo.

Secondly, sa mga taong kaibigan ko talaga bago pa ako lumipat sa Manila, sila Kat, PB, Vanessa, Mari, Rae, Samie, Abi, Sab and others nasa back ng head ko pero di ko matandaan. Thank you. Thank you so much (Ah! Si Phil, si Kat D, si Cor, et al)

Kung wala kayo, hindi rin napursue yung dream ko na mag-aral sa Manila. Thank you for guiding me around. You guys are so awesome, and I love you for that.

For my health, aminado akong nagkaroon ako ng vice this year. Pero gradually tinatangal ko na, about my weight,nawalan na ako ng konting kgs dati, and I’m trying to take my weight down. So starting january, magtatangal ulit ako ng pounds feeling ko maganda ‘to kasi, nagdodorm na ako at controlled yung kain ko. maganda ‘to.

Okay, ngayon, sa 2014 rin, aaminin ko na I’ve lost some people, when you gain, you lose. parang law na ‘yan eh. For that, I’m sorry, and I don’t think I need anymore reasons to ask any of you to stay (taray) pero totoo. I think people leaving is a sign that they’re not comfortable anymore, or their wants are not being given. More or less, baka yung time, or baka, may iba na silang endeavours. For that, I understand completely. Di naman ako magdadrama sainyo, and more or less pag magkikita tayo, it would be the same as before. parang walang nangyari. friends parin. ganon. I don’t hold grudges since hindi naman tantamount siguro yung nangyari para di na magusap. so same same

for the people who have been there for me since day 1, thank you so much.

2015 is going to kick major ass. maganda ang feeling ko sa 2015 rin kasi. feeling ko it’s my year. ewan ko ba. pero feel ko, aayos yung lovelife ko eh. deh hahahahahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s