Ang Aking Paglisan.

Posted on

Sa aking paglisan.

 

                Kung di mo pa nababalitaan, o wala ka lang talaga pakielam sa buhay ko, lilipat na ako ng college. From college to university. Bago-bago ng course. Ganon. Bakit ko nga ba gusto lumipat? May factors ba? Ganon? Biglaan ba ‘to? Ieexplain ko na lahat ‘yon para ‘di ako paulit-ulit sa mga nagtatanong.

 

              Biglaan ba ‘to?

                               Hindi. Sa totoo lang, planado na ‘to, naghihintay nalang talaga ako ng “go signal” mula sa nanay at tatay ko. Di kasi sila yung ganon ka-open minded sa mga ganitong bagay, yung mga paglipat and stuff. Ayon. Siguro nakaka-isang taon na yung pagplano kong paglipat. Ang mindset ko kasi bago yung pag-lipat, “Tapusin ko nalang ‘tong course ko, tapos lipat nalang ako ng iba after ko gumraduate.” Napaisip ako, oo nga naman, ganon, pero di naman ako ganon kasaya sa kinuha ko.

 

                E bakit yung un among program yung kinuha mo kung ayaw mo?

                                Nanay ko ang pumili ng course ko, di ako. Pero noong una mejo okay lang sakin kasi pinupuri ako na ganon, ganan. Pero noong mga oras na major na, nawawala na ako Nagbebreak-down. Lalong pumapasok sa isipan ko, “Gusto ko ba talaga ‘to?” Alam mo yung feeling na pilit? Pilit yung pinapasok mo sa utak mo? Maarte kasi akong nilalang. Kung ayaw ko, di ko talaga pinapasok sa kokote ko.

 

                Ano pa ba yung nagpalipat sa’yo?

                Actually, marami eh. Ayaw ko i-detalye kung bakit, pero may mga oras na yung kakulangan ng professor, yung mga maling naipwestong professor, yung mga activities, program itself, mga kasama sa classroom, ganon. Mga ganong factor. I-pro and con ko man, laging nagwawagi yung mga con kapag nililista ko. Alam kong saying yung dalawang taon, pero, mas saying kasi kung ipupursue ko yung bagay na ayaw ko. Diba?

 

                Paano yung mga taong tumulong sa’yo sa program mo dati?

 

Okay, liniwan ko na may mga taong tumulong sakin sa program ko (Kung nagtataka kayo kung anong program ko, gusto ko talagang itago, iwas discrimation kung baga? Kahit college ko, itatago ko. ) Nagpapasalamat ako. May mga teachers, soon-to-be-professors, mga estudyate sa isang batikang unibersidad ang tumutulong sakin paminsan. Sa mga naasa na ganon ang magiging propesyon ko, ngayon palang nag-sososorry na ako. Sorry kasi medyo nasayang yung effort niyo sakin, pero gusto ko lang linawin na kung wala kayo, baka di ko natapos yung mga courses, at baka babagsakin ako. Maraming salamat talaga.

 

                Di ko alam kung paano kayo mapepayback, lalo na sa isang teacher ko na excited na yun nga ang magiging propesyon ko. Nakakalungkot man, Ma’am, di talaga. Sorry. Sorry sa mga words of encouragement mo na tila di rin naman pumasok sakin.

 

                                Saan ka ba papasok?

 

                                University of the East o San Beda. Yun yung pinagpipilaan naming ngayon.

 

                                May mamimiss ka ba sa college mo na iiwanan mo ngayon?

 

                Meron. Marami-rami. Kahit sabihin niyo na konti lang kaibigan ko, masasabi kong tunay sila. Di ko sila ipagpapalit, at ang masakit nga doon ay iiwan ko sila. Kay Yukari Mizunuma, Eric Paulin, Stephen Lai, Francis Quezon, Rajin Baloran, Bryan Balatayo, Dayanara at Ruby, Art Poblete, Education people na katamad isulat pa, salamat mga kaibigan sa College. Kung wala kayo, baka corny na yung stay ko sa Letran. Ang unti niyo, to be honest, kasi di naman kasi ako pala-kaibigan. Medyo introvert kasi ako. Pero, Sinasabi kong tunay na mami-miss ko kayo.  (Di ko na sinama yung high school friends kasi let’s be honest magkikita’t-magkikita tayo juskopo.)

                Mamimiss ko yung pagkain sa College, kahit medyo mahal. Yung death march mula Chowking haggang sa school sa sobrang init, yun. Yung Uric acid on a stick, o yung mga isaw Yon, mamimiss ko. Maraming salamat sa Mary’s Joy na laging bukas noong summer classes naming kahit mahal ang tinda niya, utang na loob, medyo murahin niyo naman paninda niyo.

 

 

                                                Nagsisisi ka bas a desisyon mo?

                Noong una hindi, pero noong nagpadismissal na ako, ayon, doon na ako nangamba, nagsisi, ito siguro yung feeling na nakuha mo na yung pinaglalaban mo for the first time. Ito na kasi yon. Magbabago na yung flow ng buhay mo. Pero ngayon medyo carry naman, kailangan ko nalang ipaglaban ulit yung bagong program sa university na pupuntahan ko. Fingers crossed.

 

                                May mga kakilala ka ba sa Manila?

                     Oo, nakilala ko sila sa concert ng fall out boy tapos nagging long term friends ko sila. Galing nga eh.

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s