Story Time: Nawawalang Alcohol

Posted on

One day, my blocmate told me a story that kind of opened my self-consciousness for a while.

 

“Neil, alam mo ba dati, humingi ako kay Jessa nang alcohol. Kumuha siya sa bag mo tapos sabi niya, “Balik mo nalang sa bag ni Neil, kay Neil galing ‘yan,” tapos hindi ko na binalik. Nasa bahay ko na. Kukunin mo parin?”

You know what kinda made me realize on what a complete and forgetful person I am, this happened last semester. Napagisip ko tuloy, “Shet, ano pa ba nawawala sakin?”

 

Aminado naman kasi ako na, medyo hindi ako ganoon kagaling sa pagki-keep track sa mga gamit ko. Lalo na ‘pag alam kong medyo hindi naman siya kaimportante. Pero, sabihin ko na medyo malaki kasi yung alcohol na ‘yon. Colour green. Tapos , siyempre, bakit di ko mapapansin na nawalan ako ng alcohol.

 

Napaisip pa ako tuloy lalo. SINO PA BA NAKUHA NANG GAMIT KO SA BAG NG DI KO ALAM!? I mean, okay lang talaga sakin, kasi mga kabloc ko kasi sila, at mga kaclose ko narin on the side. Naisip ko na, sa dalawang taon namin na pagsasama, paminsan nagpapahiram ako ng netbook sakanila. Kahit isang araw nila hiramin, okay lang sakin, basta wala silang gagawin. pero naisip ko na may instance kaya na kumuha sila tapos binalik nalang? Haha. As in, super duper okay naman sakin kasi nga close na kami. alam na ang mga amoy ng isa’t-isa. As in. Pero, ngayon, naisip ko nga talaga baka ginawa na nila to before, at may nawala na sakin, di ko lang napapansin, or naaalala

 

Medyo natuwa naman kasi ako kasi medyo crush ko yung natake-home yung aking alcohol. Medyo lang naman. As in, 10% of 100% Yung tipong, kaya ko pa naman sumama sakanya pero di ako kikiligin. Mga ganon ba. Kasi, matalino siya. So I let it slide. Kasi ba naman, magagalit ka pa ba? Eh ang tagal tagal na pala niyang kinuha. Haha. Pero ang tanda ko kasi, naiuwi niya rin dati yung white board marker ko, tapos yun nga, alcohol, tapos ang alam ko kinuha narin niya yung lalagyan ko ng mga papel. Haha. I mean, dear girlie, puso ko narin kunin mo. Joke. Haha.

 

Anyways. Yun lang. Ugh. Sarap magpersonal blog ulit. wala pa sakin yung netbook ko. Hindi ko pa napapaayos. Pero may feels ako na by january mapapaayos ko na siya tapos mareresume ko na yung mga pagsusulat. 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s