Busy-busy

Posted on

‘Di ko na alam kung nananadiya nalang talaga ang ibang tao sa pangaasar sakin ngayon, lalo na’t college na ako. Hindi ko na kasi pinepetiks ang buhay ngayon, hindi ko narin ginusto yung sinasabi sakin.

 

Isang beses kasi, nag-yaya yung kaibigan ko na pumunta somewhere, basta, ang daloy ng usapan, sabi ko busy ako sa projects, sabi niya di raw siya naniniwala at midterm na, tapos na ang grading, ang hindi niya alam, nagfafall behind a\ko ngayon at dapat kong matapos ang mga bagay-bagay na dapat kong gawin, mapa-school, extra-curricular, org, at personal issues.

 

Medyo nakakabastos talaga at may mga taong hindi nirerespeto ang opniyon o ang estado ng isang tao. Bakit? Ito nga ako, busy, kulang sa tulog, kulang nalang maglupasay bawat beses na nagising ako dahil ang nakukuha ko nalang talaga ay apat o tatlong oras na tulog. Napaka-unhealthy nito sa totoo lang. Nakakasawa naren ang puro kape at energy drinks na iniinom ko araw-araw para lang magising sa klase.

 

Aminado ako na kahit busy ako, bigyan lang ako ng isa o dalawang oras, gigimik ako. Magjajam, magsusulat ng kung anu-ano. Yung mga tipong ginagawa ko talaga. Maglaro ng mga console games. Yung ganon. Pero di na madalas. Malimit ang nasa harap ko nalang ay photoshop, handouts, papers, files, at books. Yun nalang talag ang laging nasa harapan ko. 

 

Ngayon, pagdating sa mga nagsasabi sakin na nagdadahilan lang ako ganon. Alam niyo naman kasi ako, kung anong trip mo, trip ko rin. Nasama naman ako sainyo dati. Ang iba kasi dati, dati, pwedeng papetix-petix. Ngayon, di na masyado. HIndi na kasi ako yung tao noong HIgh School na pwede anytime kasi alam ko naman na ipapasa ako or ganito. Iba na kasi talaga ngayon. sorry talaga pero naaasar nalang ako bawat beses na sinasabihan ako na nagdadahilan nalang ako ganon.Hindi man lang nirespeto yung kung anong sitwasyon ko or ganon, kala kasi lahat, isang napakalaking joke. Parang lahat pwede. Iba na kasi. Parang, taking the world more seriously ang masasabi ko sa kung anong ginagawa ko ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s