College Tips

Posted on Updated on

dsfsdf

Bago ako pumasok ng kolehiyo, marami na akong natanungan kung paano ang magiging takbo ng college. Nakapasok ka na sa campus mo, tapos na ang lahat, pero paano mo ito isusurvive? Ito yung mga nasagap kong mga kasagutan, as well yung mga nasabi ng mga natanungan ko o nasabihan ako.

Pumasok sa first day

Kung may mga ate at kuya na kayong nagcollege, baka sabihin nila na hindi naman masyadong importante ang first day dahil dito lang naman kukunin yung mga pangalan, attendance, requirements, tapos di naman magdidiscuss. Pumasok sa first day. Dito mo malalaman at matitimpla kung paano ka lalaban sa mga professor mo. Hindi ito katulad ng High School na pwede kang magloko dahil nakilala mo na yung teacher na yon ng apat na taon. Tandaan, ang mfa professor ay mas mataas na level, at hindi sila basta-basta. Mas maganda yung kikilalanin mo ang magiging kaaway mo bago ka lumaban.

Gumala sa environment

Sabi nila, alamin mo ang lugar kung saan ika’y mamamalagi. Maganda kung aalamin mo kung saan ang mga room o building, o kung may shortcut ban a papunta sa room mo. Normally, ang mga college o university, nagpapa-tour ng kanilang campus, pero iba narin na ikaw rin mismo ang maghahanap ng mga daan. Mas magandang gawin to sa first-second day of class.

Humanap ng kasagpi

Sa college, hindi kayo pare-pareho. Hindi katulad ng High School na mag-aadapt nalang sila lahat sa iba, magbibigay ng pasensya sa mga kenkoy sa klase, o totropahin ang mga tahimik. Sa college, uso ang “walang pakielaman” yung tipong mas importante pang maka-uno kesa sa magkaroon ng friends. Kung friendly ka, um-approach sa mga taong feeling mo ay magiging ka-click mo. Huwag kakalimutan na iba’t-ibang course ang pwedeng pumasok sa minor subjects mo.  Kung magkaroon ka man ng friend na iisa lang ang subject niyo together, umasa ka nalang nab aka i-introduce ka sa iba niyang friends, at mas lumaki pa ang social circle mo. Tandaan, walang masama sa maraming kasagpi sa laban.

  • Note: Palaging magdala ng yellow pad kung gusto mong lumapit sila saiyo, dito ka kumuha ng friendship at acquaintances. Magbenta ng ballpen, notebook, load o kahit ano kung kinakailangan.

*Not Recommended, be consistent* humakot sa Prelim at Midterm

Sa college kasi, uso ang mga excemption sa exams. Lalo na pagnaka-quota ka sa prof ng kailangan na grade para hindi na mag-finals. Para sa ibang universities at colleges, pag ang estudyante ay hindi nag-finals, bragging right na ‘to. Ibig sabihin, hindi nasayang ang effort mo. Pwede mong ipagmalaki na may ginawa kang tama sa buong term (normally, 5 months) Pero paano pag di ka gaano kagaling at ayaw mong bumagsak? Pag prelim, puro introduction at mga basic ang itinuturo, itry na galingan talaga sa prelim, medyo bagalan sa midterm at finals. Kung kuntento ka naman sa 75-80 ang average mo, sige itry mo ‘to, pero hindi ko ‘to nirerecommend dahil gawang tamad ‘to. Pero gusto ko ishare lang sainyo para sa mga hindi katalinuhan diyaan.

Don’t go out on an empty  stomach. Eat like a King/Queen!

Gisingin ng maaga sila inay at itay para ipagluto ka ng ham and egg sa taas ng mainit na fried rice. Huwag kang aalis ng bahay ng gutom! Kung hindi ka magdodorm, sabihin mo sa iyong parents na mahirap lumaban ng gutom. Kailangan kasi ng nutrients ng body mo para umabsorb ng information. Ang malimit na oras ng klase paminsan ay 1 and a half hours, paminsan tumatagal ng 3 o’clock. Mas madali kang mabablackout sa information, made-daze sa mga pangyayari, walang papasok sa utak mo. Kung nasa dorm ka, marami naming mga fast food chain na nagbebenta ng mga pagkain. Magpakabusog.

Huwag mawalan ng barya.

Hindi porke’t mahal na ang tuition (ehem ehem) ibig sabihin kasama na ang libro. Uso sa college ang photocopy. Cheap substitute sa mga makakapal na libro na isang chapter lang naman ang kelangan. Sinasabi ko na araw-araw, maglagay ng barya sa bag, wallet, coin purse,o bulsa. Mahirap magbigay ng 100 pisong buo sa nag-po-photocopy. Baka with matching mura pa at kamot sa ulo ang makuha mo.

Mga dapat dalihin sa loob ng bag.

Never tayo magiging sure kung anong gusto ng professor. Maraming maaarte diyan. Ito ang iyong dalihin bago pa dumating ang first day niyo para naman ma-reassure kayo na wala na kayong gagawin pang iba kundi mag-aral.

  1. 1 x 1 and 2 x 2 pictures
  2. Index cards, Plain
  3. Glue, Scissors, Tape, Stapler (Yung mga handy, hindi yung mga malalaki pa)
  4. Folder
  5. Yellow pad

Magtanong-tanong sa mga old students

“As you grow old, you’ll grow wiser” ika nga. Itanong sa mga lumang estudyante ng iyong college/university yung mga do’s and don’ts ng ibang professor, as well as kung sinong magandang kunin na prof. take note, kung gusto niyo na talagang mahasa kayo, tanungin niyo kung sino yung magaling na prof, hindi yung medali kayong ipapasa. Your future depends on them.

Huwag itago ang special talents/ Hanapin ito

Kung may special talent ka, ipakita mo na ‘to sa college. Bakit? Maraming rason. May mga org kasi ang college na hindi katulad sa High School, mas malayo-layo ang mararating. Kung magaling ka magsulat, sumali ka sa college newspaper o gumawa ng blog. Hasain kung anong meron ka, walang mawawala sa’yo, pero maraming masasayang na opportunity. Ito rin ay pantanggal boredom sa buhay mo habang may vacant. Kung wala ka pa, humanap ka na.

Tatagan ang paniniwala

Sa college, lalo na kung liberated ang campus mo, magkakaroon ng oras na tatanungin ka sa relihiyon mo, o sa paniniwala mo in general. Ganito doon, kasi gusto nila na kumuha ng ibang opinyon, as well na gusto nilang ibigay ang opinion nila doon sa paniniwala mo. Pwede kang makipag-debate, walang masama doon, pero huwag kang mapipikon. Tandaan na lahat ay opinyon lamang. Kung masasaktan ka, ipapakita mo lang na tama sila. Tanggapin nalang ito at kung gusto ay huwag nalang magsalita.

Be Money Conscious

Tandaan mo na hindi ka na bata para pahingi-hingi nalang sa iyong nanay at tatay ng pera. Tandaan na ikaw na mismo ang magcocontrol ng buhay mo, pati sa pera mo. madalas kapag college, ang bigayan ay ‘pang isang linggo o pag isang buwan. Kung ganito  ka, ibig sabihin, may pinaparating sa’yo ang iyong mga magulang, at ito ang pagiging money conscious mo. Control ang dapat. Para matulungan ka, mag-mental pros and cons ka. Alamin kung anong magiging silbi sa’yo nito, o kung kailangan mo ba talaga o gusto lamang.


In conclusion, ang college ang isa sa magiging make or break moments sa buhay mo. hindi natin alam kung ito ba talaga ay tutulong sa’yo sa pag-unlad o ibababa ka pa. Marami rin ang naisestress dito sa parte nila ng buhay. hindi biro ang tuition, at hindi rin biro ang mga nangyayaring insidente sa college. Maraming nangyayari. Ienjoy niyo, with a hint of sipag narin.

Twitter: @findyourheight

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s