Prom Proposal

Posted on

(Play I’ll BE in continuous loop, pati narin TRULY, MADLY, DEEPLY)

Simula pa noong nakilala ko si Fei, alam kong siya ang tatanungin ko sa PROM, at wala ng iba.

Dalawang linggo na ang nakakaraan, nagplano na akong tanungin siya, pero, hindi ko alam kung SAAN o KAILAN. Nagisip talaga ako non, e noong araw na mga yon, tatlong araw lang ang pasok, at isang araw lang pumasok si Fei non, nagbigay ito ng time sa akin para makapagisip ng ayos. Naisip ko ang mga agendang ito

• Huwag munang kausapin si Fei. Kasi, masyado akong OPEN sakanya na baka mabuking ko ang sikretong iaask ko nga siya, at ang isang fact na baka wala kaming topic para mapagusapan

•Kumuha ng advice sa mga nakakaalam, katulad ng mga kaibigan kong si Alou at Gian.

•Magisip ng pinakaromantic na lugar sa elbi.

•Kumuha ng pera

Noong araw na rin naman na yon, humingi ako sa tatay ko ng pera, binigyan ako ng 1400 noong sumunod na linggo.

Noong linggo na ito, kinakabahn na ako, kasi ba naman, iniisip ko kung paano ko na tatanungin siya. Napaisip ako at kumuha ako ng advice kay Alou, ang sabi niya, masyado pa nga daw maaga, sabi ko naman, sigurado akong maraming mag-aask sakanya. Naki-pitch in narin siya sa usapan

Noong tuesday ng linggong to, pumunta kaming bayog, nakikain kami don sa tatay ng kaibigan ko. Dinala ko pera ko para magmukha naman akong ayos at hindi mukhang useless just in case na makulangan kami ng pamasahe, o magutom siya (Fei) on the way.

Nagbayad na ako ng pamasahe ng pabalik balik. Hindi ko alam kung saan napunta yung 300 ko. Ang tanda ko kasi, may mga binili ako kasi uhaw ako

Pauwi na kami, mga mag na-9 na. may mga nangyari nadin na masarap ikwento, katulad noong nagselos ako dahil nakita ko yung nagkakagusto sakanya at pumunta sa bahay ng kaibigan ng ate niya. Pero, ma a-out of topic lang ako.

Pumunta kaming 7-eleven para tumambay, 9:15 na non, at antok na kaming dalawa. hinihintay na lang namin yung ate niya, habang naguusap kami, hindi ko mapigilang magisip kung paano ko siya tatanungin. Mga 9:45. lumabas na kami, hinintay ang ate niya, at nagpart ways na kami.

Tuesday nangyari to, noong wednesday, lahat ng kasama ko ay pagod, at antok. isa na ako sa mga yon, nasa akin parin yuO na yung prom. Wednesday night, tinanong ko na si Alou kung saan kami pwede. Tapos, naalala ko na, pwede kami sa DALCIELO! Oo, sa Dalcielo, isang maayos na restaurant na pwede magtanong ng question na makakapanibago ng buhay.

Hinanap ko agad ang isang staff ng Dalcielo, si Tenten. nakita ko siya sa may table sa may library, ito ang eksakto kong sinabi sakanya. “Tenten, i-aask ko si Fei sa prom, sa Dalcielo ko gagawin.”

Mas excited pa siya sakin! Natuwa siya at shinake pa niya ang hand ko. Nagplano na kami, sinabi ko kung anong gusto ko mangyari, sinabi ko narin ang budget ko. i niya, sobra daw ang meron ako. natuwa naman ako.

Noong thursday naman, ALL OUT na ako sa pagplano. Sinabi ko kay tenten na pumunta kaming dalcielo after school. Sinama ko si Alou kasi,siya yung nagdedecide agad, no questions asked, pati rin si Gian, siya ang sikretong nagcocompute. hindi ko makita yung mahilig magside-comment na si Camille. Gusto ko kasi na may nagsaside comment. 

Noong nasa Dalcielo na ako, sabi ko kay Alou kung anong gusto ni Fei, tapos kung ano yung mga bagay na ayaw niya. Hindi ko na sinama yung ayaw ay gusto ko, kasi, kung ano rin naman ang gusto niya, nagugustuhan ko rin eventually.

Ang MENU

•Caesar Salad

•Chicken And Mushroom soup ata.

•Alfredo Fetuccini

• And le Dessert, May A la Mode e. 

Anyways. masaya ako noong umuwi, at excited.

Ang problema ko ngayon, ANONG SUSUOTIN KO! Tiningnan ko kung OL si Alou. Oo namna. Sabi niya, Be casual, sabi ko nga, be casual. Wag daw shirt and tie.

By that time, katext ko si Fei, sabi ko na bukas, 7 o’clock kami, sabi ko, may nireserve akong upuan.

Nagtanong siya. I kept things as shallow as possible, para hindi mahalata. sabi niya kung saan daw, sabi ko secret.

FRIDAY.

ito na! sumama ako kayla hilary at kariza, sabi ko, “Ayaw ko muna kausapin si Fei,a yaw kong magtitigan nalang kami!”

After noon, edi, tapos na yung klase, naghintay ako sa GYM, may practice daw kasi si fei at si preet para sa mr and ms palarong CSI. Pageant samin yon

Ayon nga. Hindi natuloy. Edi sabi ko sakanya, dumiretso na kaming Dal Cielo. maaga kami ng isang oras, I DON’T CARE. HAHA. 6 na ata kami pumunta non. Pinapasok kami ni Tenten, at dito na nagsimula.

Habang papunta kami sa Dalcielo, Magtakbuhan daw kami. Naghabulan kami at nagmukhang bata. :))

(PLAY I’LL BE, TRULY, MADLY, DEEPLY, TIME after TIME)

Pumasok kami, nabigay na agad samin ang drinks namin, Na-preorder ko na lahat.

Nagsimula ang lahat sa Caesar Salad. Tapos, yung soup ko. Tapos. Dumating na yung fettuccine. Habang nakain kami, naguusap kami, nasasabi naman yung mga bagay na hindi pa namin napagkwentuhan.

Kinausap ako ni tenten. sabi sakin, don daw sa dessert, ilalagay daw nila yung words na “Will You Be MY Promdate”. natuwa naman ako. Um-oo ako, at umupo ulit

Habang hinihintay ang dessert, kinakabahan ako, hindi ako makaayos ng upo, hindi ako pinapawisan non, nanlalamig ako, kahit may jacket na ako na over sa kapal.

(okay! dito, I’ll Be)

Dumating na nga ang dessert. hindi napansin ni Fei yung nakasulat, ako naman, UTAL na UTAL na sa kakasabi ng last words sa huli kong sinabi.

Napansin ni fei na parang paulit-ulit ako, tinuro ko yung nakasulat sa dessert namin gamit ang aking nguso, binasa niya. Nagsmile siya at sabing, “Ngayon na?” na may malaking ngiti. Pulang pula siya non, yellow ang paligid, pula talaga siya non. tapos, isang malutong na YES. :))))

Ngayon nga, kinikilig ako.

Tapos, sumigaw nalang ako, nakita ko yung mga nagluto ng pagkain na nakatitig samin, tinanong ng isa kung anong sagot, mouth reading, nag thumbs up ako, um-OO siya, tapos, tumalon sila at tuwang tuwa. nag-apiran!

Ako naman, gusto kong lumabas sa DalCielo, at sumigaw na. UMOO SIYA!

Pinaulit ng pinaulit ko kay Fei, alam mo kung anong ginawa niya, 

“Ilang beses na ako nagtatanong, nanigurado lang”

“Yes, (with matching bilang sa fingers), yes, yes, yes,yes, uhm, sorry ha, yes talaga e!”

tae. tapos, binasa niya yung letter ko, 

nakakakuha kasi ako ng mga morning texts sakanya, nakalagay sa letter ko na naappreciate ko yung mga ganon kahit gms, alam mo kung anong sinabi niya pagkatpos niyang basahin?

“You know what, I’ll tell you something, I don’t send GMs” with a smile. ibig sabihin, they were PMs! :))

Wala lang, natutuwa ako. bukingan, kinain na namin yung dessert, busog na ako, marami pang natira. Kinain niya nalang yung iba. tuwa kami :))

natapos ang gabi. masaya ang lahat. umuwi na siya, umuwi narin ako

nagpatawag ako kay camille. kinuwento ko sakanya. 

hanggang ngayon. masaya ako :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s